It's been a while. Ang tagal din bago ako nakapag-update dito sa Tabulas, this is all the fault of Facebook, yes sinisisi ko sya kasi parati na lang ako dun pumupunta.
Anyways, I'm here for an update. In my current workplace napakadalang ng mga surgeries namin minsan pa nga walang patient sa hospital kasi they're just starting so sobrang bilang rin ang mga staffs and ung mga staff na-rorotate in all areas pa especially kung walang nurse dun sa area na iyon. For example, if wlaa namn kaming case sa OR, at walang tatao sa ER, dun kami mapupunta ang masaklap pa, one nurse on duty lang every shift so if ever maging toxic, super toxic talaga kasi sa buong hospital 2-3 nurses lang ang naka-duty.
Anyways, last week nagkaroon ng himala, dumami patient namin, unfortunately all of them were patient for Caesarian Section and NSD. Yes, panahon na ng mga nanganganak.
And so last Friday, pinapasok ako ng maaga because we're having two CS so even if night pa ang duty ko napilitan na rin akong pumasok kasi nga isa lang ang duty dun sa 2-10 shift at nag-straight duty na yung isang morning shift. OK lang naman sa akin but what I didn't expect is the storm na biglang dumating.
Dahil nga nag-straight yung 6-2 shift, nag-absent na sya the following day so ako namn yung nag-straight, from 5pm nung Friday dineretso ko na at ako na rin ang nagduty ng 6-2 shift ng Saturday. E biglang dumating si Ondoy at nagdala ng kabahaan, so yung duty ng 2-10 at 10-6 hndi na nakapasok kasi nga hanggang bewang na yung baha sa may paligid ng hospital. Ang masaklap pa e biglang may dumating na NSD patient. Ewan ko ba kung kelan nman bumabagyo at bumabaha dun pa naisipan nung nanay na manganak. So yung nursery may 4 babies na, dalawang NSD at dalwang CS. Sa ward naman ganun din 4 patients, ung mga mothers. Akala ko naman pagdating ng Sunday makakauwi na ako kasi pagod na ako at sobrang antok na rin. E hndi pa rin humupa ung baha at umuulan pa rin so ako pa rin ang nag 6-2 shift. Buti na lang pumasok yung 2-10 shift so nakapagpahinga ako, pero d na rin ako umuwi kasi night shift naman ako that day. Pero bago ako makatulog bigla pang nagkaroon ng patient sa ER. Yung patient nasugatan sa paa at kita na yung tendon nya, so akala nman namin i-OOR na sya that day buti na lang next day pa. Mahirap yun kasi wala kaming mga sterile na gamit. So yun nga pahinga lang ng onti then back to work ulit.
E dahil nga bilang lang ang staff at dahil rin sa bagyo at baha, yung mga staff na duty nung Saturday morning hndi na nakauwi at hindi rin napalitan. So nagdecide kami nung kasama ko na i-relieve na namin ung dalawang nurse sa ward kasi nga wala pa silang tulog. So yun yung experience ko nung binabaha ang buong Metro Manila. Kahit na almost 60 hours akong nag-stay sa hospital, feeling ko blessing in disguise yun at least kumikita ako at hindi ako naburo sa bahay. Buti na lang din at nasa mataas na lugar yung bahay namin so my family were safe sa flood. Although nakakalungkot kasi may mga kakilala ako na nagsuffer din dahil sa baha.
Anyways, dahil nga dun sa super long OT ng ibang nurses, yung iba, hndi na pumapasok until now so kahit kulang na kami sa staff lalo pa kaming na-understaff. E kahapon may dumating pang 22 patients. For executive check-up lang namn sila but still sobrang kulang ang staff so kanina, napunta ako dun sa nursery para alagaan yung dalawang baby (nakauwi na yung dalawa pang baby). Grabe, it's my first time actually na mapunta sa area na yun. Student pa ako nung huli akong nagduty sa nursery e so wala akong kaalam-alam talaga. Buti na lang at kahit iyakin yung baby ko hndi nman sya toxic. Mahal lang nya ako at ayaw nyang magpababa at humiga sa crib nya. Gusto nya karga ko sya parati. Kapagod yun buti na lang at around 1pm tumahimik na rin sya at natulog na sya sa crib nya. Buti na lang din at pumasok ung 2-10 shift nursery nurse at hindi ako na-OT dun sa nursery. Hay sana kasi umayos ung management ng hospital para hindi kaming mga nurses yung natotoxic. Kahit hindi namin specialty dun kami pinapasok, pano kung may mangyari, syempre liable kami doon db? Hay talaga...un lang masasabi ko.
Currently watching: Dahil May Isang Ikaw @ ABS-CBN 2
Currently feeling: sleepy, thankful and tired