June 2nd, 2008
Dahil ang Buhay ay UKININA.
Dahil may anumalyang nangyari sa akin simula Tuesday ng gabi hanggang ngayon, nakipag-date nalang ako! MWAHAHAHAHA~
Aba't akalain mong masaya pala yun! Kahit minumura na ako ng paa ko sa sakit, libre naman lahat at malamig ang Tri-noma at may sense kausap si fafa-for-the-day ko kaya all is well na rin~
Uumpisahan ko pa ba? Hmm...yey! RANT POST!!!!
Tuesday (night) - Thursday
Dahil sa hindi malamang panyayari o sadyang karma lang ng katakawan, nagka-diarrhea ako. Sa sobrang lala, sabi ng nanay ko, namumutla na daw ako at mukha ng multo. At hindi biro pagsabayin ang regla sa pagtatae, putakte, mahirap mag-maneuver sa banyo ng paulit ulit. Seremonyas yon, pare. Sabi naman ng Tita ko tsaka Kuya ko, nakakapayat naman daw. Pakshet, di na noh. Kung ganito lang at magmumukha akong bangkay sa puti, wag nalang. Kaya naman ng diet at Hip-hop abs diba? YEY~
Sa kasamaang palad, Thursday ng umaga eh nagmamaganda pa rin ang sakit ko, kaya hindi ako naka-attend ng meeting ng CDLC at naka-pag-enroll.
Friday - Sunday
Maayos ang Friday hanggang Sabado ng umaga ko dahil kasama ko mga kaibigan ko. Onting Matador na pampaantok at onting intrigahan sa maliit ng attic, SOLB!
Sa kasamaang palad naman ay hindi pa naibibigay sa akin ang sweldo ko kaya wala akong pang Mangaholix. Feeling ko ayaw talaga sa akin ng SMX kasi last year din, di ako nakapunta doon sa venue na yun. Hmm? Ah hindi, sisihin ang kahirapan!!! D: lechugas~ ako lang wala sa JUNKO circle namin! AMP! Sige, babawi tayo mga JUNKO sa Eiga Sai ha~ yeyeyeh. *sayaw*
Kaso laaaaaaang. May dinala naman akong isang mabigat na suliranin. Tipong hindi ko mawari kaya kailangan kong ikunsulta sa may ekspiryensa.
Ang masasabi ko lang, espesyal ang fanfic na "Hanabi" sa akin ni akichuu (hanapin niyo sa LJ! Biliiiis!!!). ^^ Basta~
Monday
Tantanananan! *drumroll*
Masaya ang Lunes. UUUUUBEEEER. 8D
Yung tipong gusto mo na i-pluck lahat ng kilay mo sa banas, kasi di pwede yung buhok mo at kakaonti nalang at magmumukha kang alien. Tipong paglaruan ka ng kapalaran kasi kung kailan kailangan mo ng mga internet shop na may sapat na gamit na kailangan mo at pagdadamutan ka kasi ng panigalalaruan ka tapos nauubusan ka na ng oras at di ka pa makapag-ayos ng sarili mo kasi inuutusan ka pa tapos kailangan tapusin yon kundi mas lalong lagot tapos tinutusta ka na ng araw may mga gago pang pagti-tripan ka.
YEHEY.
Tapos may creepy na mama na tititigan ka ng walang dahilan, pag-iisipan mo na manyak o magnanakaw kasi kahit mukha ka na ngang lalake eh ang pangit pa din ng tingin niya. Tapos maaalala mo, "ah! nakapalda nga pala ako", diba ang tanga mo? Tapos sa sobrang init mas gusto mo pang gawing pamaypay ang binabasa mo. Tapos di ka pa agad maka-kuha ng jeep at inaway ka pa ng drayber.
Pagdating mo sa destinasyon mo, dalawang beses ka paglalaruan ng mga ignoranteng kinauukulan, dalawang beses ka papagurin sa lakaran, at sa huli ay talo ka pa din. Walang enrollment. WALA. Kasi sabi ni Kuya, ganyan. Sabi ni Manong ganito. Tangina niyo. Makikipag-date nalang ako!
*hinga*
Sa huli, nag-Trinoma nalang kami ni Mark, kasi kailangan ko din siya kausapin. Tapos libre ang Taxi, palamig at Jollibee~ yehey! Tapos may "palos" moments pa at window shopping at wig-trip. YEHEY~ onting picture lang para mainggit kayo!

PALOS: BEFORE AND AFTER!
BO RICE
American idol?! XDDD Pero bagay noh?? Ang wafu ng fafa ko!!!
MARIMAR?!
LOL.
O sige, tapos na ako mainis.
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!! 8DDDD










and I have to re-watch The Idiot. Since I'm not a connoisseur in films, I might digest the message the wrong way so I have to watch it again. And the hunger to watch Stray Dog is as present as ever.