February 3rd, 2007
Tinig ng Balahurang Nilalang
Babala: Isang maagang paumanhin sa anumang mura at kawalang pigil na reklamo sa mga sususnod sa pagsulat.
***
[Oral Com] Tae. Leche. Bwiset. Mukha akong gago sa speech na yun. Maraming maraming salamat sa mga pumuri at nagsabing maganda at interisante ang speech ko, pero hindi talaga ako masaya sa kinalabasan. Tang inang time limit kasi yan eh. Kung wala yun, magmamayabang ako ngayon na ang ganda-ganda ng presentation ko. Maganda ang content, at maayos ang pagsasalita. Confident. Di umuutal o natatawa sa katangahan niya. Bwiset. Kinarir ko pa naman yun nung nagpa-praktis ako. Sobrang struggle pa sa oras. KYAAAAA! Kainis talaga!
*dabog dabog*
***
[Nat Sci] ULUL!!! Gago ka ha! kala mo di ako makaka-sagot! Bwahaha! Tama yan, ngumiti ka sa mga bagay na dapat katuwaan, di sa mga joke mo na utak mo lang ang nakaka-arok. Haaay. Minsan naiisip ko tuloy kung may social life ba ang isang taong tulad mong wala ng ginawa kung 'di maghakot ng mga tao na gagawing hobby ang mainis sayo. Haaay. On the lighter side, tapos na kami! Yehey~
***
[Hangin] Ang lamig noh? Parang Baguio daw ang lamig ngayon. At dahil ang isang tulad ko ay di pa nakakarating ng Baguio, malay ko ba. Marami sa atin ang nagbubunyi sa masarap at malamig na hangin, ako di masyado. Lamigin ako masyado eh. Kaya laging tinatanong ng nanay ko kung paano na ko pag nasa Japan o Korea na ako. Sabat ko nalang lagi: "Madami namang pang-paninit dun eh." at bahala na rin kayo sa interpretasyon. ^^ Ang maganda dito, nagagamit ko yung mga long-sleeves at jacket ng mas madalas. Yun nga lang, medyo kinakabahan ako, kasi baka huli na 'to. May pinanood kasi sa amin na film, An Inconvenient Truth, ang title. Parang documentary, staring Al Gore. Oo, yung kalaban ni Bush sa eleksiyon nun. Sayang, mukhang mas humanitarian si Gore, di tulad ni Bush, war freak. Sa palabas, nag le-lecture siya tungkol sa Global Warming. Ang ganda. Napaka-detailed ng explanation at nakakatakot nga ang pangyayaring ito. Kaya ko nasabi na baka huli na ang lamig na ito ay dahil napaliwanag sa palabas na unti-unting matutunaw ang mga yelo sa north pole permanently, at iba pang lugar na maapektuhan ng malawakang tagtuyot. Kasama na ang mga katubigan at lupa. Ang mensahe ng film ay dapat na may gawin na tayong mga hakbang para mapigilan ang global warming dahil unti-unti ng lumalaki ang problema. Hindi man ramdam ngayon, ay andiyan na siya. Parang isang kanser na unti-unting gagawing mahina ang isang katawan...
***
[Pangongopya] Isa sa mga dinaluhan naming forum ay ang kay Dr. Ariolla, hindi ko alam yung pangalan niya, pero ang alam ko ay respetado siyang guro sa UST. Natuwa lang ako dun sa isa niyang sinabi tungkol kay Shakespeare. Itong legendary na alagad ng sining daw ay, "King of Adaptation" at kung buhay pa siya ngayon ay isa siyang batikang direktor ng pelikula. Rinerespeto ko naman si Shakespeare dito. Kung nangongopya man siya, o kinukuha niya ang ideya sa iba eh, napaka galing pa rin kasi hindi halata. Isa sa mga payo ng judge sa isang contestant sa TV ay ganito: "Don't be afraid to copy. Copy it. But make sure you can make it your own. Make it your own!" Tama nga naman. Mangongopya ka nalang, magpapahuli ka pa na nangongopya ka ng kinokopyahan mo.O diba, mas ma-joray yun?
***
[Pagkatao] Oo, importante ngang i-establish mo muna yung character bago ka sumabak sa istorya. Shet. Kaya pala bumabaliko sa huli yung mga sinusulat ko...
***
"The medium is the text."
-Gary Granada
***
[katapusan] Tuldok











