August 8th, 2006
Itim na mantsa sa Puting damit
“Putang Ina nito ah! Haha!”
“Bakit ba, inaano ka ba?”
“Tang ina, ano papalag ka pa?”
“Ano ba! Hindi ka naman inaano ah! Ang yabang mo!”
“Aba, sasabat ka pa ha! HAHAHA! Ano, saksakin kita diyan eh!”
“Oy, wag gago, wag.”
“Duwag ka pala eh. Gago! HAHAHAHAHA! Tang ina nito. HAHAHA! Duwag!”
“Hindi ah! Hindi…”
Maniniwala ba kayo mula sa usapan ng mga bata yan? Hindi lang ‘yon, laro lang yan. Laro lang.
Hindi ko alam kung bakit, pero kinikilabutan ako tuwing mapapadaan ako sa isang lugar o kahit kalsada man lang na may mga batang nagmumurahan pa na mas malutong pa kaysa sa mura ng magulang ko. Iniisip ko tuloy, san kaya napulot ng mga batang ito yung mga salita na sinasabi nila? Alam ba nila kung anong ibig sabihin non? O talagang expression lang para sa kanila at walang malisya? Siguro, dahil hindi naman ako pala mura noong bata ako, kaya ako naninibago. Kasi, iba sila saakin. Hindi ko naman dapat ihambing yung sarili ko. Pero hindi ba sa pananalita mo nakikila ang ugali ng isang tao? Kung hindi man, ay nakakatulong ito sa pagkilala sa isang tao. Kung ganoon, sa pagkilala sa mga batang ito ayon sa kanilang pagsasalita, masasabi ko kayang marahas sila? O may posibilidad na lumaking marahas at hindi nag-iingat?
Naaalala ko nung minsang hinihintay naming ni Leo si Joanna sa bahay ng tita niya, sa labas lang kami, kasi hapon nanaman, mahangin tsaka may bangko naman. May mga batang nag-lalaro. Hindi ko alam kung ano ba yung linalaro nila, kasi naghahabulan sila, pero nagbabatuhan din sila ng bato. Nagmumurahan pa sila. Ayan nanaman yung malulutong na Putang Ina. Walang T-shirt, walang tsinelas ayos na. Malalaking bato tsaka walang laman na boteng plastik naman ang mga gamit. Tapos takutan nalang ng mura at duwagan yung iba pang panlaban. Bilang nakatatanda, sinabihan ko naman sila na tumigil na kasi nga baka magkatamaan nga at may ma-ospital pa. Eh makukulit, ayaw pa rin! Hala, habol! Bato! Mura! Lintik na mga bata yon, muntik pa kaming tamaan.
Yung huli kong engkwentro sa mga batang ganito eh yung pauwi ako ng Boni. Sa jeep na sinakyan ko, may batang umakyat at pinunasan yung mga sapatos naming. Alam niyo na, yung tapos manghihingi ng pera. Iniisip ko tuloy, asan kaya mga magulang nito? Ang liit-liit, delikado pa yung ginagawa nila. Nung nanghihingi na yung bata ng abuloy o bayad ba ang tawag dun, pinapababa na siya nung drayber. Bababa na sana siya nung biglang may umakyat na isa pang maliit na bata at minura mura yung naunang bata at tinutukan pa ng barbeque stick yung bata. Sa totoo lang, nakakatakot. Kasi ang bata-bata niya pa, marunong na siya manutok, paano nalang kung di na barbeque stick yung hawak niya at patalim na? Lahat kami sa loob ng jeep na iyon, napatulala lang. Marahil, pareho ko lang ng pag-iisip yung mga kasama ko. Gusto man naming tumulong, wala kaming magawa. Dahil takot o napipilitan lang.
Nakakagulat at nakakalungkot isipin na ganito na ang nagiging dulot ng karahasan ng mundo sa mga bata. Marunong na lumaban at marahas sa mas mahina sa kanila. Sa mura nilang edad, dapat ay nasa isang tahanan sila at inaalagaan, hindi sa lansangan na tanging naituturo sa kanila ang kasaklapan ng reyalidad at pagsakop sa inosente nilang kaisipan.
!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--[endif]-->!--[if>!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->!--!--[endif]-->!--!--[if-->